Pinagsamang maliliit at malalaking letra. Dagdagan nang maraming h, z, x at pati mga numero.
"wEr nAh U?" at "d2 nAh mEe." . Pinag-usapan, gumawa nang ingay at gumawa nang pangalan.
Sila ang tinaguriang
JEJEmons. eOwh pFouh!
Sino ba sila? Ano ang kanilang pinagkaiba?
Kilalanin natin sila. Pasukin natin ang mundo ng JEJE-land.
Ang JEJEmon ay hango sa dalawang salita, ang JEJE na spanish expression ng HEHE at MON na mula sa salitang "Pokemon" na pamagat ng isang sikat na anime series.
Nagsimula daw ang mga Jejemons sa mga online games.Ang mga gamers daw nung panahong 'yun kapag nakipag-usap sila sa mga kalaro nila ay mga salitang Jejemons ang ginagamit nila.
Sino ang nag-imbento nang term na ito?
Ayon kay Mykel Andrada, isang Pop culture expert, iyong mga Jejemon ay hindi naman talaga Jejemon ang tawag nila sa kanilang sarili. Nagkaroon na lang ng tawag sapagkat pati sa Youtube, sa Facebook mayroong pagsisikap ang mga kung tawagin ay Jejebusters na lumikha ng ingay laban sa mga Jejemon. Kaya simula noon ay pinik-up na siya ng media.Kapag tinignan mo, ang nagsasabi nang ibig sabihin ng term na ito ay yung mismong Jejebusters.
Ano naman ang mga katangian ng isang true-blue Jejemon?
Maraming katangian ang mga Jejemon na nagiging dahilan upang maging kakaiba sila at kung minsan ay hindi maintindihan nang karamihan. Una, kaya nila ang Jeje-speak. Sumunod ay alam ang Jeje-fashion, alam ang Jeje-music at Jeje-dance. At ang pinaka huli, marunong ng Jeje-sign.
May nag-teks! Umabot na din pala sa ibang bahagi ng Asia ang mga Jejemon. Mayroon na daw counter-part ang mga Jejemon sa Indonesia, ang mga "alay', at sa Japan "yahoo moji" ang bansag sa kanila. Tulad ng mga Jejemons sa Pilipinas, pinaghahalo nila ang mga letra at numero ng kanilang mga lenggwahe. May kaibahan din sila sa iba pag dating sa pananamit.
Pero bago ang lahat nang kasikatan na ito, matagal na daw may mga Jejemons sa Pilipinas.
Halos limang taon na din sila at kamakailan na lang napansin at nabigyan ng bansag na Jejemon.
Ano mga ka-blog? Bagong uso yan.Humanda na kayo at ating pag-usapan. jejejeje..