Monday, August 16, 2010

jAjA-jAmMing with jEjEmUsic.

"Jejemon, jejemon yan ang in na in ngayon"… ito ang sikat na kanta sa Youtube tungkol sa mga Jejemon.
Ano nga bang music trip ng mga Jejemon? At ang tripping na ito, paano nakaka-impluwensya sa kanilang buhay? Play that Je-Pop music now!


Bukod sa sariling paraan ng pananalita at gawi ng pananamit, ang mga jejemons ay mayroon din sariling uri ng mga kanta na kung tawagin ay JEJEmusic. Ang jejemusic ay hindi naman ganong naiiba sa mga karaniwang kanta na nauuso ngayon. Naiiba lang ito dahil gumagamit ito ng jejebet, ang katumbas na alpabeto ng jejemon, at ang palagiang tema ng mga jejemusic ay tungkol sa buhay at pag-usbong ng mga jejemons, kung paano sila nagsimula at ang pagiging proud ng mga jejemon kung ano man sila.

Para naman sa akin, ang jejemusic ay tulad lang ng mga kantang ating nagugustuhan dahil sa nabibigay nitong kasiyahan sa atin sa tuwing ito'y ating napapakinggan. Ang jejemusic ay nagbibigay saya sa mga jejemons dahil ang mga kantang ito ang sumasalamin sa kanilang pag-usbong at pagkakakilanlan. Sa pamamagitan ng mga kantang ito naipapahayag ng mga jejemons ang kanilang mga saloobin. At ang pinakamahalaga sa lahat, ang mga kantang ito ang nagiging daan upang maipakilala nila sa lahat ang kanilang pagkatao at ng nais lang nila ay maintindihan ng lahat.

Narito ang isang halimbawa ng  lyrics ng isang kantang pang-Jejemon:


Jejemon, Jejemon repeat 4x

Hey yo listen carefully makinig u muna to me
Ako'y may konting sasabihin sa Jejemon identity
Jejemon is a person na may phone
Na kapag nagtext ang kanyang message ay naku so arte tsong
Hirap tuloy itong ma-read kaya Jejebusters ay galit
Kasi bago mo magets analyze first is all u need
Ewan ko ba't may ganun dumadami na ang Jejemon
Sa sobrang hilig mo magtext baka dito ka belong

Kaya pag nagtetext ka, i-double check mo na
Baka di mo nano-notice na Jejemon ka na

Chorus:

Jejemon Jejemon, yan ang in na in ngayon
Jejemon Jejemon, so arte magtext sa phone
Jejemon Jejemon, check mo nga ang text mo tsong
Jejemon Jejemon, at baka isa ka don

Jejemon na talaga, di na mapipigilan pa
Mapabata matanda Jejemon na rin sila
Dito kasi no age limit basta maarte u magtext
It doesn't matter poor or rich basta meron u pangtext
Anytime ay welcome ka kahit cell di maganda
Kaya kung Jejebuster ka jejeje jumoin ka na
Baka kasi di mo alam ur Jejemon noon pa man
At now mo lang to na discover kaya ka nagkakaganyan

Kaya pag nagtetext ka, i-double check mo na
Baka di mo nano-notice na Jejemon ka na

Repeat chorus 2x

Alamin mo muna tsong kung anong klase kang Jejemon
Mild ka ba o moderate well alin ka ba doon
Baka naman ay severe ka o baka ay terminal
Jejemon pa rin ang tawag kasi text mo'y di normal
Pero unique maikli man o siniksik
Kahit mahirap pang basahin kasi letters ay conflict
Kaya maybe Jejemon me o baka nga Jejemon u
Or maybe di natin alam lahat kayo lahat tayo...c'mon!

Kaya pag nagtetext ka, i-double check mo na
Baka di mo nano-notice na Jejemon ka na

Repeat chorus 4x

Jejemon Jejemon
Jejeje Jejeje

No comments:

Post a Comment